MAHIGIT isang buwan bago sumapit ang Araw ng mga Manggagawa, nagpasaring ang grupong Federation of Free Workers (FFW) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Hirit ng grupo – ganap na isabatas ang panukalang legislated wage hike ng Kongreso bilang regalo sa mga manggagawang Pilipino.
“Trade unions are aiming for a wage hike announcement by President Ferdinand Marcos Jr. as a workers’ gift on May 1, Labor Day,” ayon sa pahayag ng FFW.
Nanawagan din ang grupo sa Kongreso na pagtibayin agad ang panukalang legislated wage hike wage para mapirmahan agad ng Pangulo.
Sa Senado, P100 dagdag-sahod ang target ibigay sa mga manggagawa, habang P350 naman ang giit ng Kamara.
Una nang tinutulan ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang panukalang dagdag-sahod na anila’y posibleng humantong sa pagkalugi o pagsasara ng mga negosyo.
