KUMBINSIDO ang kampo ng negosyanteng suspek sa likod ng kontrobersyal na “missing sabungero” na wala sa ayos ang imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kinakaharap na kaso.
Hiling ni Atty. Gabriel Villareal na tumatayong abogado ni Atong Ang sa Department of Justice (DOJ), ibalik sa CIDG ang asunto para sa panibagong imbestigasyon.
Ayon sa abogado, hangad ng akusado masiguro ang isang “maayos at patas na imbestigasyon.”
Paglilinaw ni Villareal, bagama’t may kakayahan ang DOJ case build-up, pangunahing tungkulin pa rin ng pulisya ang pagsasagawa ng imbestigasyon.
“We are asking for a proper case build-up, a fair, impartial investigation. Otherwise, it will always be the talk of the town that Mr. Ang is behind this. So, it’s better that it is properly investigated so that once and for all, it can be shown who is really responsible for these missing sabungeros,” ani Villareal.
