SA gitna ng hindi maawat na katiwalian sa pamahalaan, tuluyan nang sumadsad ang tiwala ng mga Pilipino kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., batay sa resulta ng survey na pinangasiwaan ng Pulse Asia.
Sa datos ng research firm, 34 percent na lang ang naniniwala sa sinceridad at kakayahan ng Pangulo. Nasa 45 percent ang walang tiwala kay Marcos habang “undecided naman ang natitirang 21 percent.
Buwan ng Hunyo nang magtala ng 39 percent trust rating si Marcos na nakasungkit ng pinakamataas na antas sa Visayas at Mindanao. .
Sa approval rating, 33 percent lang ang bilib sa nagawa ng punong ehekutibo.
Sa pagsubsob sa survey ni Marcos, nanatiling mataas ang trust rating kay Vice President Sara Duterte na nakakuha ng 56 percent.
Kapansin-pansin ang suporta ng mga respondents mula sa Mindanao kung saan nagtala ang pangalawang pangulo ng 96 percent, habang 60 percent naman ang nasungkit ng bise presidente sa Visayas.
