SA pagpasok ng huling yugto ng 19th Congress, ibinida ng mga kongresista ang anila’y bagong mukha ng Kamara sa bisa ng mas pinalakas na “oversight function” sa hangaring isulong ang transparency, accountability at maayos na pamamahala.
Partikular na binigyang pagkilala ng mga ranking House leader ang makasaysayang tagumpay ng Kongresong hindi limitado sa pagbalangkas at pagpapatibay ng mga panukalang batas.
Sa pinag-isang pahayag, kinilala rin nina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker Jay-Jay Suarez, at House Majority Leader Mannix Dalipe ang anila’y “transformative leadership” ni Speaker Martin Romualdez.
“The 19th Congress has set a new standard for legislative excellence, not just in passing laws but in ensuring that government programs and agencies are held accountable,” ani Gonzales.
“Our oversight function has been a cornerstone of this Congress’ success, and it reflects our commitment to protecting public interest and trust,” dagdag pa ng kinatawan ng ikatlong distrito ng Pampanga.
Sa ilalim aniya ng pamumuno ni Romualdez, ipinamalas ng Kamara ang hindi mapapantayan legislative productivity ng Kongreso.
Mula sa pagbubukas ng 19th Congress noong Hulyo 2022 hanggang sa huling bahagi ng nakalipas na taon, umabot sa 13,454 ang mga panukalang inihain, kabilang ang 11,241 proposed bills, 2,212 legislative resolutions, at isang petisyon.
Sa 1,368 panukala ng Kamara, 166 ang ganap na naisabatas at pasok na sa kategorya ng Republic Act. Sa naturang bilang 73 ang national law habang 93 naman ang local laws. Nakapagsumite rin ng kabuuang, 1,319 na committee reports sa naturang panahon.
Sa kabuuang 178 session days, inaksyunan ng Kamara ang nasa 4,760 measures, o katumbas ng isang dosenang panukala kada sesyon – na anila’y sumasalamin sa epektibong kapulungan para tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.
“These statistics underscore our collective effort to deliver results. But beyond the numbers, the true achievement lies in ensuring that the laws we pass and the inquiries we conduct directly benefit the lives of every Filipino,” punto ni Dalipe.
Tinukoy din ng kinatawan ng ikalawang distrito ng Zamboanga City ang kritikal na papel ng mga pagsisiyasat ng mga komite sa pagpapalakas ng pamamahala at pagbuo ng makabuluhang mga polisiya ng bansa.
“Oversight is essential in ensuring that laws and programs deliver their intended benefits. This Congress has maximized its investigative powers to address systemic issues and propose real solutions,” ani Dalipe.
Isang halimbawa aniya ang imbestigasyon ng Quad Committee sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), at ang koneksyon nito sa kalakalan ng iligal na droga, money laundering, at extrajudicial killings.
Natuklasan sa pagdinig ang pagkakasangkot ng POGOs sa mga financial crimes at korapsyon habang nabunyag din ang pamimili ng kampanya kontra iligal na droga ng administrasyong Duterte.
“These hearings demonstrated our resolve to protect national interests and uphold human rights,” ani Suarez, na kumakatawan sa ikalawang distrito ng Quezon.
“The findings led to meaningful recommendations, including stricter gaming regulations, enhanced anti-money laundering measures, and stronger safeguards against abuse of power,” dagdag niya.
Natatangi rin ang imbestigasyon ng Committee on Good Government and Public Accountability, na bumusisi sa maling paggamit ng P612.5 milyong halaga ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
“This inquiry was about upholding transparency and ensuring public funds are used effectively,” sabi ni Gonzales. “It highlighted the importance of stricter oversight mechanisms.”
Pinuri din ng mga lider ang hakbang ng Quinta Comm, na kilala rin bilang Murang Pagkain Super Committee, sa pagtalakay ng agricultural smuggling, manipulasyon ng presyo ng bigas at kahinaan ng mga programa para maparami ang produksyon ng pagkain sa bansa.
“Our investigations into agricultural smuggling, hoarding, price manipulation, profiteering and cartels are a prime example of oversight in action,” ani Suarez.
“We identified gaps in enforcement and accountability, ensuring that future policies address these issues head-on,” dagdag pa niya.
Tinukoy pa ng mga lider ng Kamara ang pamumuno ni Romualdez kung saan naging sentro ng legasiya ng 19th Congress ang pagganap sa oversight functions ng lehislatura.
“Speaker Romualdez has redefined what it means to lead the House. He has made oversight not just a duty but a powerful tool for reform,” wika ni Gonzales. “Under his leadership, the House has become a guardian of public trust and a driver of accountability.”
Sinegundahan naman ni Dalipe ang pahayag ni Suarez hinggil sa kakayahan ni Romualdez bigkisin ang Kamara para sa isang hangarin.
“The Speaker’s steady hand and forward-thinking leadership have allowed us to push boundaries, achieve legislative milestones, and ensure that governance is grounded in accountability and service,” aniya.
Sa nalalapit na pagsasara ng 19th Congress sa Hunyo, sinabi ni Suarez na magpapatuloy ang Kamara sa pagganap ng tungkulin para sa kapakanan ng bansa.
“The 19th Congress has demonstrated that through strong oversight, we can ensure that every peso, every law, and every program benefits the Filipino people. This is the kind of leadership and legacy we must continue to uphold,” ani Suarez. — Romeo Allan Butuyan II
