MATAPOS manumpa bilang permanenteng hepe ng kontrobersyal na Bureau of Corrections (BuCor), ikinasa ni Director-General Gregorio Catapang Jr. ang malawakang balasahan sa kawanihang pinamumunuan.
Sa isang command conference na pinatawag ni Catapang, sinabihan na di umano ng BUCor chief ang mga opisyales hinggil sa nakaambang paggalaw sa hanay ng mga nakapwesto sa iba’t ibang tanggapan sa ilalim ng kawanihan.
Kabilang rin sa mga babalasahin ang pamunuan ng iba’t-ibang bilangguan sa ilalim ng pangangasiwa ng BuCor.
Gayunpaman, tumanggi ang ang BuCor chief na ilahad ang pangalan, ranggo at destino ng mga tatamaan sa ikinasang pagbalasa ng kawanihan.
“Ayoko naman maging dahilan ng pagkabalisa ng mga BuCor official at personnel,” ani Catapang.
“Hintayin na lang nila… hindi naman siguro lahat dapat kalusin.”