SA hangaring tiyakin na magiging maayos at mapayapa ang nakatakdang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), mahigpit na ipinatutupad ng Commission on Elections (Comelec) ang gun ban pagsapit ng Agosto 28 hanggang sa matapos ang itinakdang panahon ng election period.
Sa siyam na pahinang resolusyon, binago na rin ang orihinal na petsang saklaw ng election period – mula sa dating Hulyo 3 hanggang Nobyembre 14, ginawang Agosto 28 hanggang Nobyembre 29 ng kasalukuyang taon.
Kabilang rin sa mga itinakda sa ilalim ng bagong ‘calendar of activities’ ang paghahain ng ng kandidatura sa mga nagnanais kumandidato sa barangay at sangguniang kabataan na idaraos mula Agosto 28 hanggang Oktubre 2.
Pormal namang sisimulan ang pangangampanya pagsapit ng Oktubre 19 hanggang 28 ng nasabi ring buwan.
Bawala naman ang alak at anumang pangangampanya mula Oktubre 29 hanggang sa mismong araw ng halalan sa Oktubre 30.
Paalala ng Comelec, bawal magbitbit ng baril sa mga pampublikong lugar, gayundin ang paggamit ng bodyguards sa hanay ng mga kandidato.
Hindi rin anila pinahihintulutan ang balasahan o paglilipat ng destino sa mga opisyales at kawani ng gobyerno.