MAHIGPIT na ipinagbabawal sa umiiral na batas ang pagkanlong sa mga sa mga pugante, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Babala ni Atty. Polo Martinez na tumatayong tagapagsalita ng DOJ, mahaharap sa kasong obstruction of justice ang sinumang mapatutunayang magtatago o tutulong sa pagtatago ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang na pinaniniwalaang utak sa likod ng kontrobersyal na kaso ng mga “missing sabungero.”
Partikular na tinukoy ni Martinez, ang Presidential Decree 1829 na nagpapataw ng parusa sa mga tutulong para pigilan ang pag-aresto at pagpapanagot sa mga lumabag sa batas.
Una nang lumutang ang impormasyon sa umano’y mga posibleng pagtaguan ni Ang na sinasabing hindi pa nakakalabas ng bansa.
Pag-amin ni Martinez, walang anumang patunay na lumabas na ng bansa ang kontrobersyal na gaming tycoon. (JULIET PACOT)
