ITULOY man o hindi ang pagtayo bilang testigo sa husgado, hindi na mababawi ng mga state witnesses ang perang bahagi ng nakulimbat na pondo ng gobyerno.
Ito ang tiniyak ni Justice Secretary Fredderick Vida,sa mga nais mag recant of bumawi ng sinumpaang salaysay kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
Ang basehan ng Kalihim — ang nilagdaang kasunduan sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP).
Ang masaklap pa aniya, itutuloy ng estado ang pagsasampa ng kaso.
Para kay Vida, marapat lang ibalik ang perang nakalaan sa kapakinabangan ng taumbayan, lalo’t alam naman umano ng mga testigo na iligal nilang nakuha ang naturang pondo mula sa mga proyektong kontra-baha.
Una nang sinabi ng DOJ na wala pang naitatalang recantation mula sa mga state witnesses at umaasa ang ahensya na tutupad ang mga state witnesses sa mga kondisyon ng programa.
Sa ngayon, pumalo na sa mahigit P316 milyon ang kabuuang halagang naibalik ng apat na state witness — kabilang sina Roberto Bernardo, Gerard Opulencia at Henry Alcantara at contractor na si Sally Santos – na pawang na-discharge na sa kaso. (JULIET PACOT)
