WALANG magaganap na halalan ngayong taon, ayon kay Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia.
Sa isang pahayag, partikular na tinukoy ni Garcia ang pagsasagawa ng kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections sa Oktubre 13.
Ayon kay Garcia, naglabas na ng direktiba ang Korte Suprema matapos ideklarang “unconstitutional” ang Bangsamoro Autonomy Act No. 58 at Bangsamoro Autonomy Act No. 77 na may kaugnayan sa pitong parliamentary seats na orihinal na nakatalaga sa lalawigan ng Sulu.
Gayunpaman, nilinaw ni Garcia na bahagi ng atas ng Korte Suprema ang paghahanda sa halalan bago matapos ang buwan ng Marso sa susunod na taon.
Una nang naantala ang BARMM election na nakatakda sanang isabay sa May 2025 national and local elections.
