SA gitna ng kabi-kabilang paratang na sangkot sa malawakang katiwalian, inilabas ni Senador Francis Escudero ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Gayunpaman, marami ang namangha — kung hindi man natawa sa idineklarang yaman ni Escudero.
Batay sa inilabas na SALN ng Office of the Senate Secretary, si Escudero ay may total net worth na P18,840,02.62 na mas mababa pa sa P18.99 milyong nakasaad sa SALN ni Senador Risa Hontiveros.
Bukod kina Escudero at Hontiveros, 15 iba pang senador ang sumang-ayon isapubliko ang kani-kanilang SALN.
Ang magkapatid na Raffy at Erwin Tulfo ang may pinakamalaking naitalang net worth na may pinagsamang halos P1.5 bilyong piso. Sa naturang halaga, P1,052,977,100.00 ang total net worth ni Raffy habang P497,003,425.13 naman kay Erwin.
Si Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri ay may P497.003M ang net worth, sumunod sina Senador Panfilo Lacson (P244.94M), Senador Robin Padilla (P244.04M), Senador Jinggoy Estrada (P221.21M), Senador Lito Lapid (P202.05M), Senate President Vicente Sotto III (P188.87M), at Deputy Majority Floor Leader JV Ejercito (P137.08M).
Ang iba pang nagsapubliko ng kanilang SALN ay sina Senadora Pia Cayetano (P128.29M), Senador Sherwin Gatchalian (P89.52M), Senador Bam Aquino (P85.55M), Senadora Loren Legarda (P79.21M), Senador Joel Villanueva (P49.50M), at Senador Francis Pangilinan (P26.73M).
