MATAPOS lansagin sa magkahiwalay na operasyon ang mga illegal POGO hubs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga, nagsulputan na di umano ang bulilit version ng ng mga scam farm na pinapatakbo ng mga Pilipino.
Sa imbestigasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), lumalabas na mga dating empleyado ng sinalakay na POGO hubs ang namumuno sa mga bulilit POGO.
Partikular na tinukoy ni PAOCC spokesperson Winston Casio ang Pilipinong dating nagtrabaho mga POGO hubs sa Las Piñas City sa Metro Manila, Baofu Land sa likod ng munisipyo ng Bamban at Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.
Sa pagtataya ng opisyal nasa 30 bulilit POGO ang bantay sarado sa PAOCC.
“Hindi kasing laki ng Porac pero nakita namin dito sa Mexico, Pampanga at Bacolor, Pampanga na may mga bahay-bahay na yung operations nila ay scamming,” wika ni Casio.
Nang tanungin ng mga peryodista kung paano nagkaroon ng sariling POGO ang mga dating empleyado ng mga sinalakay na establisyemento, ipinaliwanag ng PAOCC spokesperson na biktima ang kategorya ng mga “sinagip” sa iba’t ibang operasyon ng ahensya at pambansang pulisya.
May ilan din aniyang sa Chinese nationals sa sangkot sa mga nabulilyasong operasyon sa Parañaque, Pasay at Bamban ang gamitin ang mga natutunan sa mga POGO hubs na dating pinapasukan sa di hamak sa disimulado lalo pa’t sa bahay lang umano lang umano nakasentro ang operasyon.
Meron din naman aniyang mga dayuhan na lumipat lang sa ibang POGO hubs matapos pasikun ng pulisya ang dating pinagtatrabahuhan.
“May nakita nga doon sa Bamban na nanggaling po doon sa Hong Tai… yung raid kung saan lagpas isang libo ang “nasagip,” na ilang libo yung nakuha nila sa Las Piñas. Ngayon, dito naman po sa Porac, meron kaming nakita na mga ID na mga taong nagtatrabaho dito sa Lucky South na nahuli dati doon sa Hong Sheng. Yun yung POGO na nagrerenta doon sa property ni Mayor Alice Guo sa Baofu.”
Nauna nang sinabi ni Casio na inihahanda na ng interagency body ang isasampang non-bailable case laban kay Mayor Guo dahil sa pagkakasangkot umano nito sa scam hub sa Bamban.
Nakatakda namang magsagawa ng sariling inspeksiyon ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa scam farm ng Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.
