DAHIL sa kabiguan – kung hindi man pakikipagsabwatan ng mga tiwang opisyal ng Bureau of Customs (BOC), pati ang pagtugis sa mga cigarette smugglers pinapelan na rin ng Philippine National Police (PNP).
Sa isang direktiba, inatasan ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang pagpuksa ng mga sindikato sa likod ng pagpupuslit ng sigarilyo mula sa ibang bansa.
Sa datos ng Bureau of Internal Revenue (BIR), lumalabas na hindi bababa sa P25.5 bilyon ang nawalang kita ng gobyerno noong nakaraang taon dahil sa pamamayagpag ng sindikato sa likod ng malawakang cigarette smuggling.
Bukod sa mga smuggled yosi, bantay-sarado na rin ani Marbil sa PNP ang paggawa, pagpapalaganap at pagbebenta ng mga pekeng sigarilyo sa merkado.
Higit pa aniya sa nawawalang kita ng pamahalaan, hindi rin umano dapat makasanayan ang paninigarilyong nagdudulot ng iba’t ibang klase ng karamdaman sa mga mamamayan.
“I have directed all concerned police units to intensify the crackdown against fake and smuggled cigarettes. The PNP is committed to eradicating the illicit cigarette trade that not only undermines government revenues but also poses serious health risks to the public. Our intensified efforts will include heightened surveillance, stricter border controls, and coordinated operations with other law enforcement agencies,” wika ni Marbil base sa kalatas ng PNP.
“The battle against counterfeit and smuggled cigarettes is not just a fight for revenue or law enforcement; it is a crusade to safeguard the health of our people and ensure economic stability. We will not rest until every illicit operation is dismantled, every counterfeit product seized, and every violator brought to justice,” dugtong ng heneral.
”Our goal is clear: we will safeguard our country from the evils of this illicit trade that comes as an affront to the welfare of small farmers and their dependents. We are committed to bring its purveyors to justice, no matter who or what they are,” aniya pa.
Bilang patunay, sinampolan na di umano ng mga pulis sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat, Tawi-tawi ang Zamboanga ang ilang grupong nagkakalat ng mga puslit na kontrabando.
Batay sa pagtataya ng PNP, umabot sa P10 milyon ang kabuuang halaga ng nakumpiskang smuggled na sigarilyo sa magkakahiwalay na operasyon sa mga nabanggit na lugar sa Mindanao.
Gayunpaman, nilinaw ni Marbil na bahagi ng agresibong kampanya kontra cigarette smuggling sa Mindanao ang BOC.
