MULING nanawagan si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na amyendahan ang piling probisyon sa 1987 Constitution upang makaakit ng bagong puhunan, makalikha ng trabaho at magbukas ng pagkakakitaan sa mga Pinoy.
Sa kanyang mensahe sa Philippine Constitution Association, sinabi ni Romualdez na ang pag-amyenda sa ilang bahagi ng Konstitusyon ay makapagpapabago sa ekonomiya sa hinaharap.
Ilan sa mandatong nais baguhin ang 60-40 pag-aari pabor sa Pinoy sa pagpapaunlad ng likas na yaman, paglimita sa pag-aari ng mass media eksklusibo lang sa mga Filipino citizens; at ang pagkakaroon ng ari-arian ng dayuhan.
“Amending these provisions isn’t just a matter of law—it’s about transforming the opportunities available to every Filipino. It’s about catalyzing a new era of prosperity, characterized by more robust economic growth, technological advancement, job creation, and ultimately, a better quality of life for each and every citizen,” sabi ni kalatas ni Romualdez.
Idinagdag nito kahit pa binago ito habang iniisip ang kapakanan ng mga Pinoy, makalilikha naman ito ng trabaho at papabor pa rin ito sa bansa at lipunan.
“Countries like Vietnam and Indonesia have been welcoming foreign direct investments with open arms and reaping substantial benefits, mainly through job creation. We, on the other hand, have missed out on these opportunities due to our stringent regulations,” paliwanag pa ni Romualdez.