BINUKSAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Motorcycle Riding Academy sa Pasig City.
“Hindi ako naniniwala na ilang riders ay walang disiplina. Kulang lang sila sa kaalaman sa traffic regulations at tamang driving skills,” sabi ni acting MMDA Chairman Romando Artes.
Ginawa sa loteng pag-aari ng Government Service Insurance System at hindi kalayuan sa bagong MMDA headquarters sa Pasig, ang academy ay may mga shipping containers na ginawang classrooms at magagamit ng may 100 motorcycles na magagamit ng libre ng mga rider.
Ang mga motorsiklo ay ibinigay ng mga senador, LGU at ilan ang ibinigay ng mga negosyante.
Ang mga trainees ay sasailalim sa dalawang araw na kurso kasama na ang basic road emergency response, road traffic rules, orientation sa basic parts of motorcycle, motorcycle control and operation, demonstration on static and moving position gayundin sa practice demonstration.
Ang mga makakakumpleto ng training at bibigyan ng certificate at badge ng MMDA.