NAKATAKDANG simulan sa Lunes ni outgoing Press Secretary Cesar Chavez ang pagsasalin ng responsibilidad sa dating ABS-CBN reporter Jay Ruiz na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong Kalihim ng Presidential Communications Office (PCO).
Ayon kay Chavez, Pebrero 5 pa nang isumite ang kanyang “irrevocable resignation” sa tanggapan ng Pangulo.
Sa kabila ng pagbibitiw, tiniyak naman ng outgoing Secretary ang maayos na transition kay Ruiz. Katunayan aniya, naka-schedule na umano ang pag-ikot nilang dalawa sa iba’t ibang tanggapan sa ilalim ng PCO. Marso 1 ang takdang araw ng opisyal na panunungkulan ni Ruiz sa PCO.
“I spoke to Jay Ruiz already. I informed him that I will introduce him to the PCO Mancom on Monday February 24, so he can begin a week-long transition, so that by March 1, it’s already a plug-and-play for him as the new PCO secretary,” ani Chavez.
“To use a broadcast parlance, I will be signing off as Acting Secretary of the Presidential Communications Office on February 28, 2025 or anytime earlier when my replacement is appointed. I submitted my irrevocable resignation on February 5, 2025,” wika ng batikang brodkaster.
Inamin din ni Chavez na hindi niya naisakatuparan ang resultang inaasahan ng Pangulo.
