INAKUSAHAN ng Chinese state media ngayong Lunes sang paulit-ulit umanong pagpunta ng Pilipinas sa teritoryo ng China sa West Philippine Sea.
Sinabi rin ng China na nagpapakalat ang Pilipinas ng maling impormasyon na lumilikha ng gulo.
Nakasandal din umano ang Pilipinas sa suporta ng Amerika upang mag-udyok sa China na lubhang delikado sa kapayapaan ng rehiyon.
Umigting ang tensiyon sa pagitan ng Beijing at Pilipinas matapos magpalitan ng akusasyon sa pag-aari ng West Philippine Sea gayundin sa pagbomba ng tubig sa barko na sinasakyan ng Philippine armed forces chief of staff.
Inaangkin ng China ang kalawakan ng South China Sea na bahagi rin ng Pilipinas, Brunei, Malaysia, Taiwan, Vietnam at Indonesia.