PATAY ang isang 5-anyos na bata nang ma-trap sa nasunog na bahay sa Antipolo City.
Sugatan din ang ama ng biktima nang tangkain pang sagipin ang kanyang anak sa Barangay Cupang.
Hindi bababa sa 17 bahay ang napinsala sa sunog, at 21 pamilya ang apektado.
Ayon sa awtoridad, napabayaang kandila ang hinihinalang pinagmulan ng apoy.
Sa Maasim, Southern Leyte, nasawi rin sa sunog ang isang lalaki na bumalik pa raw sa bahay sa kalagitnaan ng sunog.
Mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa 22 kabahayan.
Sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, palyadong linya ng kuryente ang hinihinalang pinagmulan ng sunog.-