INILABAS ng Civil Service Commission (CSC) ang listahan ng testing centers, gayundin ang mga paalala kaugnay sa isasagawang nationwide Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) sa darating na ika-11 ng Agosto ngayong taon.
Hinimok ni CSC Chairperson Karlo Nograles ang nasa 358,651 candidates na kukuha ng kani-kanilang Professional o kaya’y Subprofessional Level exams na i-review ang Examination Advisory No. 11, s. 2024, at i-access ang kanilang designated school sa pamamagitan ng Online Notice of School Assignment (ONSA), na makikita sa CSC website.
“The CSC, along with dedicated teachers and volunteer government employees, is all set to administer the CSE across 95 testing centers in 16 regions nationwide. All exam takers aiming for civil service eligibility are encouraged to familiarize themselves with their assigned testing venue and pay attention to all provided reminders. This will help maximize their chances of success and ensure the exam is conducted smoothly,” pahayag pa ni Chairperson Nograles.
Ang mga examinee ay kinakailangang nasa testing venue bago o pagsapit ng 6:30 ng umaga o base sa takda ng concerned CSC Regional/Field Offices. Ang gate ng testing venues ay isasara sa hudyat ng 7:45 ng umaga at ang mga mahuhuli ay hindi na papasukin o pakukuhanin ng examination.
Magiging mahigpit din ang examination venues sa pagpapatupad ng “No ID, No Exam” policy. Kaya ang examinees ay dapat mayroong valid ID card, na kung maaari ay katulad ng ID card na kanilang nai-prisinta sa pagpa-file ng kanilang application. Kung ang ID ay iba, kailangan magpakita ng valid ID cards para sa civil service exam.
Ipinababatid din ng CSC sa exam takers na ang paggamit ng calculator sa CSE-PPT ay hindi pinapayagan. Maging iba pang makatutulong sa pagsagot sa exam, gaya ng watch calculators, tablets, books, at iba pang materyales o gadgets, ay ipinagbabawal.
Gayundin ang pagdadala ng test booklet sa labas ng testing room o venue ay mahigpit ding pinagbabawal.
“Examinees are also not allowed to bring electronic devices to their seats, such as cellular phones, smartwatches, or any other gadgets that can be used to capture audio or video recordings of any portion of the test materials or the exam process,” sabi pa ni Chairperson Nograles.
Ang paggamit ng anumang papel, bahagi ng katawan, damit o side margins at back page ng Answer Sheet bilang scratch work ay hindi rin pinapayagan. Inaabisuhan ang Examinees na gamitin ang ibang espasyo ng pahina ng kanilang Test Booklet para sa kanilang scratch work.
Inaabisuhan ang Examinees na gumamit ng transparent bags para sa kanilang gamit at magsuot ng naaayon damit, kung maaari ay pangtaas na plain white shirts. Ang sleeveless shirts o blouses, shorts, tokong pants, ripped jeans, at slippers ay mahigpit na ipinagbabawal; ang mahabang buhok naman ay dapat nakatali sa likod.
“Only black ball pens are allowed to be used in filling up the answer sheets; gel pen, sign pen, fountain pen, friction pen, or any other kinds of pen, including other colors of ball pen, are not allowed,” dugtong ni Chairperson Nograles.
Panghuli, ang mga examinee na hindi ma-access ang kanilang ONSA ay kinakailangang direktang makipag-ugnayan sa concerned CSC Regional o Field Office, o maaari ring tumawag sa Center ng Bayan sa numerong 0908-881-6565, mag-message sa official CSC Facebook Page sa https://www.facebook.com/civilservicegovph/.
Para kumpleto sa listahan ng reminders na ito, maging ang scope ng examination, ito’y maaaring ma-acces sa CSC website na www.csc.gov.ph.
