DADAG pasakit ang pamaskong handog ng Energy Regulatory Commission (ERC) matapos aprubahan ang hirit ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ipasa ang P3 bilyong transmission charge sa mga konsyumer.
Buwan ng Pebrero nang suspendehin ng ERC ang implementasyon ng billing settlement sa co-optimize reserve sa wholesale electricity spot market (WESM) dahil sa inilatag na pricing process.
Matapos ang deliberasyon ng komisyon sa recalculation ng independent electricity operation sa Pilipinas, tuluyan nang inaprubahan ang koleksyon sa 70% naiwang “collectible charges.”
Sa buwan ng Enero 2025 magkakaroon ng tig-P0.12 per kwh na dagdag singil sa kuryente sa loob ng tatlong buwan sa Luzon habang anim na buwan sa Visayas.
Sa Mindanao magkakaroon ng dagdag singil na tig-P0.3 per kwh sa loob ng tatlong buwan.
