WALANG karapatan maging abogado ang mga utak-sindikato, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) kasabay ng paghahain ng disbarment complaint laban kay dating Congressman Jacinto Paras at apat iba pang abogado. Sa reklamong inihain sa Korte Suprema, partikular na tinukoy ng NBI ang umano’y nabigong plano ni Paras at apat na iba pa, na idawit sa tinaguriang “honeytrap scandal” si Executive Secretary Ralph Recto. Bukod kay Paras, kabilang sa mga nais patanggalan ng lisensya bilang abogado sina Atty. Ruy Rondain, Orlando Mendiola, Patrick Criaga at Josemilio Manuel Apostol. Ayon sa NBI-National Capital Region, ang apat na abogado umano ang nagbalangkas na affidavit na gagamitin ng apat na bayarang artista na sinasabing inutusan gibain ang reputasyon ni Recto. Bago pa man naghain ng disbarment complaint, una nang inirekomenda ng NBI sa Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong qualified human trafficking kina Paras, Batangas Rep. Leandro Leviste at talent manager Lito de Guzman. Pinabulaanan naman nina Paras, Leviste at ng apat na abogado ang mga nasabing alegasyon. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Karapatan bumoto sa hatol kay Sara, iginiit ni Marcoleta Sara Duterte, tinawag na ‘confi-scam’ mastermind