WALANG batas na nagbabawal sa mga aktibong senador na bumoto sa mga mahahalagang usapin sa bansa, higit lalo sa paglilitis sa pangalawang pangulo. Ito ang giit ni Senador Rodante Marcoleta sa isang liham na ipinadala sa tanggapan ni Senate President Sherwin Gatchalian. Sa naturang liham, nanindigan si Marcoleta sa constitutional provision na nagtatakda ng 16 na boto para pagtibayin ang pagpapatalsik sa pwesto ng isang impeachable official ng gobyerno. Tutol naman ang nakakulong na senador sa pag-upo ni Senador Francis Escudero bilang presiding officer. Ayon kay Marcoleta, walang hadlang sa kanyang legal capacity na bumoto bilang senator-judge dahil hindi naman siya isinailalim sa preventive suspension. Nakakulong si Marcoleta sa New Quezon City Jail kaugnay ng kasong plunder na may kinalaman sa pagtanggap ng P75-milyong halaga ng donasyon para sa kandidatura sa posisyon ng senador noong 2025. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Kaso kontra Duterte, dapat maunawaan ng taumbayan Disbarment kasado kontra Paras, 4 pang abogado