NANANATILING bukas ang Department of Justice (DOJ) sa posibilidad na maging state witness ang mag-asawang Discaya sa kondisyong isisiwalat lahat ng dapat ilahad kaugnay ng flood control scandal — walang dagdag, walang bawas.
“Kung may ibibigay ang mga Discaya o kahit sinong aplikante for state witness ng impormasyon na makakatulong sa imbestigasyon, bukas pa rin ang kagawaran,” pahayag ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez sa isang panayam sa telebisyon.
Gayunpaman, nilinaw ni Martines na wala nang aktibong pakikipag-ugnayan ang mag-asawa sa DOJ.
“Hangga’t hindi sila lumalapit at nagsasabing handa na sila mag tell all… we will maintain status quo and stick by our rules. We will have to impose conditions before a person can be granted immunity,” paliwanag niya.
Giit ng DOJ, layunin departamento ilantad ang buong katotohanan sa flood control anomaly.
Tiniyak ng mag-asawang Discaya noong Oktubre na hindi na sila makikilahok sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure at tumigil na rin sa pakikipagtulungan sa DOJ. (JULIET PACOT)
