
SA kabila pa ng limitadong panahon ng pananatili sa pwesto walang pasubaling tiniyak ng bagong hirang na hepe ng pambansang pulisya ang pamamayagpag ng kalakalan ng salot na droga sa buong bansa.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr., na mayroon lamang terminong hanggang Disyembre 3 ng kasalukuyang taon, wawalisin ang mga malalaking sindikato at mga kasapakat sa ilalim ng kanyang liderato.
Bukod sa droga, nanindigan ang PNP chief na mananatiling matatag ang hanay ng kapulisan, kasabay ng pangakong proteksyon sa mga mamamayan, walang pagod na serbisyo sa hangaring panatilihin ang kaayusan sa sa mga lansangan.
Gayunpaman, walang binanggit si Acorda kaugnay ng mga abusadong pulis at malawakang operasyon ng ilegal na sugal tulad ng jueteng, small-town lottery (STL) at e-sabong.
Kasabay nito, inilabas ng PNP ang accomplishment flagship program kung saan mahigit P5-bilyong halaga ng droga ang nasamsam mula Enero uno hanggang Abril 25 ng kasalukuyang taon.
Bukod sa droga, timbog rin aniya sa 15,589 anti-illegal drugs operation ang 20,799 drug offenders.