
PARA maiwasan umabot sa puntong nasa balag na ng alanganin ang kalusugan bunsod ng kanser, nanawagan ang isang ranking lady solon sa mga kapwa mambabatas na makiisa sa pagsusulong ng early breast cancer screening sa hanay ng mga kababaihan.
Para kay Deputy Speaker at Las Piñas City Rep. Camille Villar, ang maagang pagtukoy sa sakit na breast cancer ay makakatulong upang maiwasan malagay sa peligro ang isang pasyente.
Sa inihaing House Resolution 1023, hiniling ni Villar na maging mas aktibo ang breast cancer awareness campaign lalo’t ito aniya ang kadalasang nagiging karamdaman ng mga kababaihan sa bansa.
“With the alarming growth of breast cancer cases in the Philippines, there is a need to strengthen dedicated programs against breast cancer, and to allocate adequate budgetary support for programs involving early detection in hospitals and at the local level,” pahayag ng kongresista.
Base sa datos na nakalap ng Las Piñas City solon, pumalo sa 86,484 ang bilang ng cancer cases sa Pilipinas. Sa nasabing datos, 27,163 ang breast cancer.
“Breast cancer also claimed the lives of 9,926 Filipino women, making it the third most fatal type of cancer afflicting Filipinos, just behind lung and liver cancer. The Philippines had the highest rate of breast cancer in Asia and the ninth highest in the world in 2019, with the disease often diagnosed already in advanced stages,” ang malungkot na pahayag pa ni Villar.
“Moreover, an estimated 70% of breast cancer cases affect indigent women, making it more difficult for them to fight off the dreaded disease. There is a seeming absence of comprehensive screening programs especially in far-flung areas, thereby depriving women to seek immediate early screening or medical help,” dugtong ng lady lawmaker.
Kaya naman apela rin ni Villar sa kanyang mga kasamahan sa Kamara, magpasa ng hiwalay na panukalang batas na naglalayong maglaan ng special assistance fund para sa cancer patients, partikular sa hanay ng mga maralitang Pilipinong higit na nangangailangan ng tulong at suporta ng gobyerno.