
SA pagnanais tiyakin ang maayos at mapayapang halalan, mas pinalawak pa ng Philippine National Police (PNP) ang saklaw ng paghahanda para sa 2025 midterm election sa Mayo 12 ngayong taon.
Bukod sa sa mga armadong grupong binabayaran ng mga politiko, bantay-sarado na rin ani PNP chief Gen. Rommel Marbil ang mga kapural sa likod ng paglaganap ng “fake news” kaugnay ng nalalapit na halalan.
Ayon kay Marbil, nakatutok na ang pulisya sa pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa hangaring maiwasan ang karahasan sa eleksyon. Patunay aniya ang mahigpit na kampanya kontra loose firearms gayundin ang pagpapatupad ng Comelec checkpoints sa buong bansa.
Pasok din sa binabantayan ng PNP ang vote-buying sa pamamagitan ng electronic money transfer.
Samantala, nagbabala rin si Marbil sa mga pulis na nakikisawsaw sa politika. Aniya, hindi na mapo-promote ang mga pulis na mapapatunayan rumaraket bilang bodyguard — kung hindi man goo, ng mga politiko. (Edwin Moreno)