
MATAPOS alisin ang value-added tax sa mga gamot na lunas sa high cholesterol at hypertension, iginawad naman ng Food and Drug Administration ang VAT exemption sa mga medisina kontra cancer at diabetes.
Ayon kay Atty. Pamela Sevilla na tumatayong tagapagsalita ng FDA, iginawad ang VAT exemption matapos pagtibayin ng mga kinatawan ng FDA, Department of Health (DOH), Department of Finance (DOF), at ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang hiling ng mga pharmaceutical companies.
Kabilang sa karagdagang gamot na hindi na papatawan ng buwis ang mga Diabetes Medicine tulad ng na Sitagliptin: Film-coated tablet (25 mg, 50 mg, 100 mg); Sitagliptin (as hydrochloride) + Metformin Hydrochloride: Film-coated tablet (50 mg/1 g, 50 mg/850 mg); Sitagliptin (as hydrochloride monohydrate): Film-coated tablet (25 mg, 50 mg); Linagliptin: Film-coated tablet (5 mg).
Gayundin ang Cancer Medicines na Degarelix: Freeze-dried powder for solution for injection (80 mg and 120 mg); Tremelimumab: Concentrate for solution for infusion (25 mg/1.25 mL, 20 mg/mL).
Pasok din sa talaan ng VAT-exempt ang mga gamot sa Mental Illness na Clomipramine Hydrochloride: Film-coated tablet (25 mg); Chlorpromazine (as hydrochloride): Tablet (200 mg); Midazolam: Film-coated tablet (15 mg.)