NAGSISIMULA na nga ba ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa? Ang sagot ng Bangko Sentral ng Pilipinas, walang kinalaman ang isyung pulitika sa pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.
Batay sa pinakahuling datos ng BSP, sumadsad sa P59 ang palitan ng kada dolyar matapos sumambulat ang flood control scandal na kinasasangkutan ng mga prominenteng opisyales ng pamahalaan.
Sa isang pahayag, nanindigan ang BSP na galaw sa merkado ang nagtatakda ng exchange rate.
“We continue to maintain robust reserves. When we do participate in the market, it is largely to dampen inflationary swings in the exchange rate over time rather than to prevent day-to-day volatility,” saad sa oisang bahagi ng pahayag ng BSP.
Noong Lunes, Oktubre 27 sumadsad ang piso laban sa dolyar sa P58.90 mula sa P58.625 noong Biyernes.
“The recent peso depreciation may reflect market concerns over a potential moderation in economic growth due in part to the infra spending controversy, as well as expectations of additional monetary policy easing by the BSP.” ..……….
