Ni ESTONG REYES
KASABAY ng pagtatalaga kay Senador Robin Padilla bilang campaign manager ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP), inihayag ang pangalan ng “first three senatorial bets” ng naturang partido – Senador Bong Go, Bato dela Rosa at dating artistang si Philip Salvador.
Sa ginanap na national assembly sa Davao City, binigyang pagkilala ni former President Rodrigo Duterte ang mga aniya’y nanatiling tapat sa partido.

Pinagtibay rin sa pagpupulong ang isang memorandum of agreement (MOA sa pagitan ng PDP at Partido Reporma, Hugpong ng Pagbabago, Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) at Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee (MRRD NECC) for Eleksyon 2025.
Una nang lumutang ang pangalan ni Duterte at dalawang anak na lalaki na sina Davao Rep. Paolo Duterte at Davao City Mayor Sebastian Duterte na sasabak din sa 2025 midterm election para sa posisyon ng senador.
