Ni ESTONG REYES
SA layunin tiyakin ang sapat, maasahan at murang kuryente, nanawagan ang isang senador kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sertipikahan bilang urgent bill ang panukalang batas na nagsusulong sa nuclear energy matapos makipagpulong sa Ultra Safe Nuclear Corporation (USNC).
Para kay Senador Francis Tolentino, malaking bentahe sa isinusulong na mura at sapat na kuryente para sa lahat ang nuclear energy, lalo pa’t malaking bahagi pa rin ng bansa – partikular sa mga kanayunan ng malalayong lalawigan.
Sa pagbisita ni Marcos sa Washington DC para sa trilateral summit kasama sina US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida, nakipagpulong si Marcos sa mga corporate executives ng USNC kung saan tinalakay ang kahalagahan ng enerhiya sa pag-unlad ng bansa.
“I thank President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. for hailing the Washington-based [USNC]’s commitment to the planned nuclear energy investment,” wika ng senador.
“With PBBM’s (President Bongbong Marcos) commitment to pursuing a reliable and clean energy source for the Philippines with USNC, I am requesting His Excellency to certify as urgent the Senate Bill (SB) No. 2545 or An Act Governing Civil Liabilities and Compensation Claims for Nuclear Damage, repealing certain sections of the Atomic Energy Regulatory and Liability Act of 1968 that I filed on February 13,” aniya pa.
“Likewise, I also urge PBBM to certify as urgent [SB No.] 1194, which provides a comprehensive nuclear regulatory framework, which I filed on August 16, 2022,” dagdag pa ni Tolentino.
Batay sa datos ng Senado, dalawang panukalang batas na naglatag ng pundasyon para sa ligtas na pagtutulak ng nuclear energy na tatapos sa paggamit ng mapaminsalang fossil fuel sa paglikha ng kuryente.
