
Ni Estong Reyes
ISANG panukalang kapasyahan ang inihain ng isang militanteng mambabatas na nagtutulak sa Senado na manindigan at himukin ang Palasyo para makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng isasagawang imbestigasyon sa kabi-kabilang paglabag sa karapatang pantao ng nakalipas na administrasyon.
Sa Senate Resolution No. 867 na inihain ni Sen. Risa Hontiveros, partikular na hinikayat si President Ferdinand Marcos Jr. tuparin ang pangakong pagtataguyod sa karapatang pantao at pag-usig sa bawat paglabag sa karapatang pantao.
“The best way for Malacañang to show its commitment to upholding human rights is to work with the ICC in securing justice for human rights violations victims, and in upgrading mechanisms of human rights protections in the Philippines. Ayon sa mga pinakahuling pahayag ng Pangulo, mukhang posible itong kooperasyon na matagal nang hinihingi ng mga biktima ng human rights violations at ng kanilang pamilya,” ayon kay Hontiveros.
Una nang kinumpirma ng Palasyo na pinag-aaralan ng administrasyon ang posibilidad na bumalik sa ICC bilang miyembro, limang taon matapos kumalas si former President Rodrigo Duterte sa Rome Statute – anng tratadong nagtaguyod sa ICC.
Ayon sa resolusyon ni Hontiveros: “the Philippines’ withdrawal from the ICC on March 16, 2018 — done amid an active ICC probe of summary killings linked to the “War on the Drugs” – does not mean that the country no longer has any obligation to cooperate with the international tribunal.”
Binanggit ng resolusyonang Article 172(2) ng Rome Statute, na nagsasabing: “withdrawal shall not affect any cooperation with the Court in connection with criminal investigations and proceedings in relation to which the withdrawing State had a duty to cooperate and which were commenced prior to the date on which the withdrawal became effective, nor shall it prejudice in any way the continued consideration of any matter which was already under consideration by the Court prior.”
Kasabay nito, binanggit din ng resolusyon na nagdesisyon ang Supreme Court sa landmark ruling nito sa Pangilinan vs. Cayetano, na nagdedeklarang: “The Philippine’s withdrawal does not undermine or diminish the International Criminal Court’s jurisdiction and power to continue a probe that it has commenced while a state was a party to the Rome Statute,” and “does not discharge a state party from the obligations it has incurred as a member.”
“The Philippines has historically been at the forefront of advancing humanitarian law and international justice, and it is high time that we affirm our commitment to these values before the international community,” ayon sa resolusyon ni Hontiveros.
“The recent pronouncements by the President, his allies and his deputies offer hope for a “gamechanger” for the families of Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz, Reynaldo “Kulot” de Guzman, and thousands of other Filipino families seeking justice for human rights violations. Sana ay hudyat na ito ng mas matibay na pagpapahalaga ng pamahalaan sa hustisya at karapatang pantao – at hindi pakitang tao lamang,” ani Hontiveros.