TULAD ng inaasahan, pormal nang hiniling ng Department of Justice (DOJ) sa International Criminal Police Organization (Interpol) ang paglalabas ng red notice para tuluyan nang masakote si former presidential spokesperson Harry Roque.
Pag-amin ni DOJ Undersecretary Nicholas Ty, posibleng lumabas ang red notice sa lalong madaling panahon.
Bago pa man nakipag-ugnayan ang DOJ sa Interpol, una nang naglabas ng warrant of arrest ang Angeles City Regional Trial Court laban kay Roque para sa kasong human trafficking.
Dawit din ang pangalan ni Roque sa operasyon ng sinalakay na illegal POGO sa bayan ng Porac sa lalawigan ng Pampanga.
