LABIS na ikinalungkot ng mga kongresista anunsyo ng mga kaanak hinggil sa biglaang pagpanaw ng isang beteranong mambabatas sa katauhan ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman.
Inatake si puso ang 82-anyos na kongresista, ayon kay Tabaco City Mayor Krisel Lagman, anak ng yumaong mambabatas na higit na kilala sa pagiging kritikal sa mga usapin sa politika, ekonomiya, pamamahala at iba pa. Kabilang rin si Lagman sa hanay ng mga tinaguriang tagapagtanggol ng karapatang pantao.
“We are deeply saddened by the passing of Albay 1st District Rep. Edcel C. Lagman. He was more than a colleague—he was a passionate and fearless legislator whose presence in the House of Representatives commanded respect,” pahayag ni House Speaker Martin Romualdez.
“Cong. Edcel was known for his sharp intellect, unwavering principles, and deep commitment to the causes he believed in. Whether one agreed with him or not, no one could deny his dedication to his work and his tireless advocacy for human rights, good governance and social justice. His voice—always firm, always eloquent—pushed important debates forward and challenged us all to think more critically and act more decisively,” wika ng lider ng Kamara.
Para kay Romualdez, malaking kawalan ang pagyao ni Lagman sa lehislatura at maging sa paglilingkod sa masa.
“On behalf of the House of Representatives, I extend my deepest condolences to his family, friends and colleagues in the Liberal Party. May they find comfort in knowing that Cong. Edcel’s legacy of service and integrity will endure,” anang Leyte solon.
“Rest in peace, Cong. Edcel. You will be missed,” pahabol ni Romualdez.
Samantala, pasasalamat at pamamaalam naman ang paabot ng kapwa Bicolano partylist congressman Wilbert Lee sa namayapang kongresista.
“Buong pusong pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Rep. Edcel Lagman sa kanyang pagpanaw,” ayon kay Lee na kandidato para senador sa nalalapit na May 12 midterm election.
“Bilang kapwa Bicolano at kapwa mambabatas, si Manong Edcel ay nagsilbi at patuloy na magsisilbing inspirasyon sa pagtatanggol sa karapatang pantao, pagsusulong ng makabuluhang mga batas, pagtataguyod ng makatarungang lipunan at paglilingkod sa Diyos, kapwa at bansa.”
“Muli, ang amin pong taimtim na panalangin at pakikiramay sa buong Lagman family. Saludo at maraming salamat, Manong Edcel,” ani Lee. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
