HABANG ginugunita ang anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, nagdiriwang naman ang pamilyang sinipa sa Palasyo 39 na taon na ang lumipas.
Ang dahilan – tuluyan nang ibinasura ng Sandiganbayan ang mga magulang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng kasong ill-gotten wealth.
Sa 12-pahinang desisyon ng ng Sandiganbayan, ibinasura ang P5-million ill-gotten wealth civil case 0032 na isinampa ng administrasyong Aquino laban sa yumaong Ferdinand Marcos Sr. at dating Unang Ginang Imelda Romualdez-Marcos.
Para sa Sandiganbayan, wala nang dahilan panatilihing buhay ang kaso lalo pa’t hindi naman interesado ang mga state prosecutors.
“As it is, the present complaint has clogged the docket of the Court for so long and it can no longer be countenanced,” ayon sa Sandiganbayan.
Dahil sa pagkaantala, iginiit ng Sandiganbayan ang legalidad ng pagbasura sa kasong ill-gotten wealth laban sa mag-asawang Marcos.
