Ni LILY REYES
BINALAAN ng Land Transportation Office (LTO) ang mga car dealers na ilabas sa loob ng 11 araw ang plaka ng mga sasakyan sa loob ng 11 araw mula sa petsang nabenta ang unit.
Sa isang pahayag, sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na pinadalan na ng ahensya ang nasa 100 car dealers ng “show-cause” order kung saan nakasaad na
hindi uubra ang mga palusot sa mga binentahan ng sasakyan lalo pa aniya’t sapat na ang supply ng ahensya hanggang sa katapusan ng taon.
Babala pa ng LTO chief, hindi siya magdadalawang-isip na ipasara kasang lalabas sa direktiba ng ahensya.
“Opo, puwede ho natin ipasarado iyong dealer na iyon, regardless of who dealer that is. Kung talagang ayaw niyang sumunod at patuloy ang violation on the timeline sa pag-deliver ng plates ay papasarado na po natin iyan,” wika ni Mendoza.
Binigyang-diin ng LTO chief na ang parehong panuntunan ay ipapatupad sa mga empleyado ng LTO na mapapatunayan pabaya sa trabahong maglabas ng plaka sa loob naman ng limang araw mula sa petsang isinumite ang kumpletong dokumento sa ahensya para sa pagpaparehistro.
Pagsapit aniya ng unang araw ng Hulyo, arangkada na ang hulihan sa hanay ng mga walang plakang sasakyan habang bumabagtas sa mga pangunahing lansangan. Hindi rin aniya palulusutin yaong mga gumagamit ng temporary plates.
