MULING pinatunayan ng pamahalaan ang ibayong pagpapahalaga sa sektor ng edukasyon matapos ang pagtibayin sa bicameral conference committee ang panukalang Private Basic Education Voucher Program.
Para kay House Speaker Faustino Dy III, isang katuparan ang naturang hakbang sa layuning mapalawak ang access sa quality basic education, bigyan ang maraming pamilyang Pilipino ng mas maraming educational choices.
Sa bisa aniya ng Private Basic Education Voucher Program, magiging katuwang ng pamahalaan ang mga pribadong paaralan sa paghulma ng kinabukasan ng bansa.
“Education remains the best investment we can make for our country’s future. By strengthening the voucher program, we are giving more Filipino families meaningful educational choices while supporting the important role that private schools play in our education system,” wika ni Speaker.
“Layunin ng panukalang ito na bigyan ng mas maraming pagpipilian ang mga magulang at mas maraming pagkakataon ang kanilang mga anak na makatanggap ng dekalidad na edukasyon. Walang batang Pilipino ang dapat mapagkaitan ng pagkakataong matuto dahil lamang sa kakulangan sa kakayahang pinansyal,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
Sinabi ni Speaker Dy na ang bawat reporma na isinusulong ng Kamara ay nakatuon sa paglikha ng magandang oportunidad para sa bawat mamamayan.
“Our goal is to ensure that the government works better for our people today while building stronger institutions for generations to come,” giit din ng lider-mambabatas mula Isabela.
