WALANG bakas ng katiwalian ang hindi matutunton ng pamahalaan, ayon kay Ombudsman Crispin Remulla, kasabay ng pagtitiyak na hahabulin ng gobyerno ang kayamanang itinago ng mga politiko sa ibang bansa.
“We are here to make sure the US is no longer a safe haven for ill-gotten wealth from the Philippines. We will do what we can to recover all that has been hidden here in the US,” wika ni Remulla sa dinaluhang 7th Global Conference on Sustainable Development Goal (SDG) 16 sa United Nations Headquarters sa New York.
Para kay Remulla, hindi dapat maging “safe haven” ang Estados Unidos sa mga ari-ariang nakuha sa pamamagitan ng pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Hindi man pinangalanan, kabilang sa mga politikong sinasabing nagmamay-ari ng malalaking mansyon sa Estados Unidos ang mga miyembro ng Kamara — kabilang si former House Speaker Martin Romualdez na pinsan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“We must be the gold standard for governance and progressiveness. This way, we can respond faster and better,” ani Remulla.
