
KASABAY sa taunang paggunita ng Araw ng mga Bayani, binigyang pagkilala ng Kamara ang tatlong sektor – mga ina ng tahanan, mga manggagawang pundasyon ng ekonomiya at mga magsasakang nagpapakain sa bansa.
Para kay House Speaker Martin Romualdez, pinakadakilang bayani sa lahat ng panahon ang mga ina ng tahanan, habang kinilala naman ang ambag ng uring manggagawa at hanay ng mga magsasaka sa pagtataguyod ng matatag at maunlad na bansa.
Sa isang kalatas, binigyang-pugay din ni Speaker Romualdez ang katapangan, lakas ng loob at pagmamahal sa bayan ng mga bayaning lumaban sa ngalan ng kalayaan at demokrasya.
“To them, we owe our freedom,” ani Romualdez, na tumatayong lider ng 311 miyembro ng Kamara de Representantes.
“We pay tribute to our national leaders, our soldiers, our policemen, our teachers, our government personnel, our local officials, and our barangay officers, for their heroism in safeguarding our nation, keeping the peace and delivering vital public services,” dagdag ng House Speaker, na sinamahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paggunita sa Araw ng mga Bayani sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Ani Romualdez, kinikilala rin ng bansa ang mga sakripisyo ng mga obrero, kasama na ang mga overseas Filipino workers (OFWs) para sa kanilang sakripisyo upang maitaguyod ang kanilang pamilya at pagtulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
Kasabay ng pagkilala sa mga manggagawa, sinaluduhan din ni Speaker Romualdez ang mga employer, ang mga negosyante maliit man o malaki na aniya’y nagpapagulong ng ekonomiya ng bansa.
“We acknowledge as well the arduous daily toil of our farmers and fisherfolk in support of their loved ones and country’s food requirements. They, too, are our heroes,” pagtatapos ng kinatawan ng unang distrito ng Leyte.