GINAGAWA na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat upang maiuwi na sa bansa ang dalawang Pinoy na binitay sa China dahil sa drug trafficking.
Binitay ang dalawang Pinoy noong Nobyembre 24, 2023.
Sinabi ng Chinese Embassy na ipinatutupad nila ang zero-tolerance sa mga kasong sangkol ang illegal na droga.
“China unswervingly adheres to the law in combating drug-related crimes, always maintaining zero tolerance and a high-pressure deterrence, and resolutely punishing in accordance with the law,” sabi nito.
Binigyang-diin din ng China na nagkaroon ng patas na paglilitis para sa dalawang Pinoy at pinahintulutan nilang makapagtrabado ang Philippine Consulate.
“Chinese side fully guaranteed the various procedural and the litigation rights of the two Filipinos in accordance with the law, and provided the necessary facilities for the consular officials of the Philippine side to perform their duties,” ayon sa embahada.
Nabatid na ang dalawang binitay na Pinoy ay naaresto noong 2013 matapos mahulihan ng 11 kilos ng shabu na nakatago sa DVD player.
Nahatulan sila noong 2016.