ANIM na buwan ang ipinataw na suspensyon ng Office of the Ombudsman sa punong tagapamahala ng Manila International Airport Authority (MIAA) bunsod ng di umano’y pagiging abusado.
Bukod kay MIAA acting general Manager Cesar Chiong, kalakad rin sa direktiba ng Ombudsman si acting assistant general manager na si Irene Montalbo.
Ang puno’t ulo sa likod ng suspensyon – ang balasahan sa naturang tanggapan kung saan hindi bababa sa 285 opisyales at kawani ang apektado sa rigodon ni Chiong.
Sa kasong administratibo na inihain ng 285 MIAA employees, inakusahan sina Chiong at Montalbo ng gave abuse of authority matapos maglabas ng memorandum hinggil sa re-assignment – na ayon sa kanila ay wala man lang dahilan o paliwanag.
Ayn sa Ombudsman, wala rin umano sa mga nakaatang na kapangyarihan kay Chiong ang paghirang ng sariling assistant manager (for finance and administration).
“Montalbo cannot deny her participation in the reassignment of MIAA employees because, as the designated Assistant General Manager for Finance and Administration, it is her function to advise the General Manager in the formulation and implementation of administrative matters,” ayon sa Ombudsman.
“Based on the evidence on record, it appears that the evidence of guilt of the respondents are strong and the charge against them involves Grave Misconduct which may warrant their removal from the service,” babala pa ng Ombudsman.