SA halip na matuwa, pihadong madidismaya ang mga motorista sa pamaskong handog ng mga kumpanya ng langis — dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.
Ayon kay Assistant Director Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau, sa ilalim ng Department of Energy, posibleng pumalo sa P1.40 ang presyo kada litro ng krudo, habang inaasahan naman ang 70 sentimos na umento sa gasolina at piso naman sa kerosene.
Paliwanag ni Romero, pagbagsak sa halaga ng piso kontra dolyar ang dahilan sa price adjustment. Base sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nasa P59 na ang palita kada dolyar.
“Alam naman natin na lahat ng produkto na binibili sa labas ng bansa ay ginagamit po natin dollar. Sabi nga nila pinakamataas ito since 2022,” ani Romero.
