INAPRUBAHAN na ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong Martes ang ₱1 provisional jeepney fare hike.
Gayunman, ito ay pansamantala lamang habang patuloy na ikinokonsidera ng LTFRB ang inihihirit na P5 dagdag pasahe ng Pasang Masda, Alliance of Concerned Transport Organization, at Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines.
Sa ilalim ng petisyon, nais ng grupo na taasan ang base fare sa tradisyunal na jeepney mula ₱12 sa ₱17 sa unang apat na kilometro gayundin sa pagtaas sa P2.80 sa bawat susunod na kilometro.
Ang kahilingan ng grupo ay bunsod na patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa nakalipas na 11 linggo.