UMAPELA na ang ilang transport group sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na taasan ang pamasahe ng mga pampublikong transportasyon sa buong bansa sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa liham na ipinadala kay LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III, hiniling ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, Pagkakaisa ng mga Tsuper at Operators Nationwide, Stop & Go Transport Coalition, and the Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines na taasan ng P2 dagdag pasahe para sa unang apat na kilometro nationwide.
“The immediate action and consideration of the good chairman of the LTFRB on this matter will go a long way in uplifting the economic conditions of the drivers and operators,” anila.
Anang mga grupo, ang presyo ng mga piyesa at “throttle body alignment (TBA) na kailangan upang matiyak ang ligtas at komportableng serbisyo sa transportasyon ay tumaas na rin ng husto.
“Likewise, i.e. diesel etc. is becoming uncontrollable with the surge of prices every week,” giit pa nila.
Nitong linggo lamang, nagpataw ng P4 kada litro sa presyo ng diesel na anila’y ikalimang sunod na linggo ng pagtaas.
Ang mga kumpanya ng langis ay nagtaas din ng presyo ng gasolina at kerosene ng P0.50 at P2.75 kada litro, ayon sa pagkakasunod.
“It is in this context that different national organizations represented by their respective national leaders are filing this petition/request for the necessary increase of fare for passengers utilizing the different modes of public transport services,” pahayag pa ng grupo ng transportasyon.
Noong Setyembre ng nakaraang taon, inaprubahan ng LTFRB ang pagtaas ng pamasahe para sa mga tradisyunal at modernong jeepney, bus, taxi, at transport network vehicle services (TNVS).
Inaprubahan ng public land transportation regulator ang P1 provisional increase sa minimum fare para sa unang apat na kilometrong biyahe sa parehong tradisyunal at modernong jeepney.
Para sa public utility buses (PUB), inaprubahan din ang P2 uniformed base fare hike para sa city at provincial buses sa unang limang kilometro at ang sumunod na kilometrong pagtaas ng pamasahe na P0.35 hanggang P0.50 depende sa uri ng bus.
Ang flagdown rate para sa mga taxi at TNVS ay nag-adjust din ng P5.00.
Karagdagang Balita
DEDMA: WARRANT OF ARREST KASADO VS. 4 OVP OFFICIALS
PAHABOL SA NTF-ELCAC: P7.5M ALOKASYON KADA BARANGAY
PASTOR APOLLO QUIBOLOY, DINALA SA OSPITAL – PNP