HINDI prayoridad ng pamahalaan ang pagbili ng bakuna kontra Omicron subvariants, ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.
Sa isang talakayang inorganisa ng Makati Business Club, hayagang sinabi ni Diokno na mayroon pang 70 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang hindi pa rin naituturok sa mga tinawag niyang “eligible sectors” ng lipunan.
“There is no urgency in procuring bivalent COVID vaccines as the country still has available some 70 million doses.” Hindi rin aniya dapat masayang muli ang pera ng pamahalaan lalo pa’t kaunti na lamang umano ang nagtutungo sa mga itinakdang vaccine sites para magpaturok.
Gayunpaman ang tinutukoy na bakuna ng Kalihim ay iba kumpara sa mga tinaguriang “bivalent vaccines” na sadyang ginawa laban sa “Omicron subvariants” na may kakayahang tumama kahit sa hanay ng mga “fully vaccinated ng primary jabs at booster shots.”
“We confronted that issue and the fact right now is that there are 70 million unused vaccines, 70 million. We vaccinate on average just 10,000 daily. Only 10,000 are willing to be vaccinated,” ani Diokno.