
TALIWAS sa paniwala ng isang prominenteng kongresista, puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Senado sa napipintong pag-arangkada ng pagdinig sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Pag-amin ni House Speaker Martin Romualdez, siya man ang lubos na nalugod sa mga mekanismong inilatag ng senado na tatayong impeachment court na lilitis sa kasong kinakaharap ng pangalawang pangulo.
“The Senate has shown its commitment to upholding due process and ensuring a fair and impartial impeachment trial. I extend my deepest gratitude to Senate President Escudero and the entire Senate for their readiness and professionalism in handling this historic proceeding,” pahayag ni Romualdez na isa ring abogado mula sa University of the Philippines (UP).
“The House has done its part in transmitting the Articles of Impeachment, and our prosecution panel is ready to present the case as soon as the impeachment court is convened. We trust that the Senate will carry out its constitutional duty and proceed with the trial without unnecessary delays, in accordance with the rule of law,” dagdag ng lider ng Kamara.
Nauna rito, bumisita si House Secretary General Reginald Velasco at iba pang opisyal ng Kamara sa Senado upang inspeksiyunin ang mga pasilidad na inilaan para sa House prosecution team at gagamitin sa isasagawang impeachment trial.
“Nakita natin sa pagbisita ng ating House Secretary General sa Senado ang kahandaan ng ating mga kasamahan sa Mataas na Kapulungan. Napakahalaga ng maaga at maayos na paghahanda upang matiyak ang kaayusan pagdating ng impeachment trial,” wika ni Romualdez.
Tiniyak naman ng lider ng Kamara sa publiko na handang-handa na ang House prosecution team na iharap ang kanilang kaso sa oras na magsimula ang paglilitis.
“Ang report sa akin ng mga House prosecutors, handa na sila na mag-present ng kaso anumang oras buksan ang Impeachment Court,” ayon kay Romualdez.
Ibinida rin ng lider-kongresista ang masusing pagsusuri ng prosecution panel sa mga ebidensya at legal arguments upang matiyak ang matibay at makatotohanang presentasyon sa harap ng Senado na tatayong impeachment court.
“The House prosecution panel will have the necessary facilities to conduct their work efficiently. We have the Senate to thank for this. It ensures that our representatives can fulfill their constitutional duty to present the impeachment case in a dignified and professional manner,” saad pa ni Romualdez.
Binigyang-diin ng Leyte lawmaker ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng Senado upang matiyak ang maayos na proseso ng paglilitis.
“The Senate, led by Senate President Escudero, has taken decisive steps to ensure that all necessary preparations are in place. This level of coordination between the House and the Senate is vital in upholding our democratic processes,” aniya.
Muli niyang pinaalala na ang impeachment trial ay isang sagradong “constitutional process” na kailangang isagawa nang may pinakamataas na integridad at pagiging patas.
“This is about ensuring that our democratic institutions remain strong, credible, and accountable to the Filipino people. I trust that the Senate will exercise its role as the impeachment court with the utmost fairness and independence.” (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)