
NI ROMEO ALLAN BUTUYAN II
TULAD nang pagtugon sa imbitasyon ng Senado para dumalo sa isang pagdinig, iginiit ni House Deputy Majority Leader at Tingog Partylist Rep. Jude Acidre na dapat ding humarap sa House Quad Committee si former President Rodrigo Roa Duterte para sa sagutin ang mga isyu ng madugong giyera kontra droga.
Kasabay nito, hinimok ng ranking House official si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na mag-inhibit sa imbestigasyon ng Senado, dahil sa malalim na pagkakasangkot nito sa all-out war on drugs ng Duterte administration
“Duterte’s admissions about his ‘death squad’ and his chilling willingness to command extrajudicial killings reveal a leader who has absolutely no regard for human life. It’s appalling that he continues to hide behind the facade of a tough-on-crime persona while leaving a trail of bloodshed in his wake,” pahayag ni Acidre.
Sa kanyang pagsalang Senate inquiry, inamin ni Duterte na siya ang nag-utos sa isang grupo ng mga kriminal na puksain ang mga itinuturing na banta sa lipunan.
Ayon pa sa ex-president, inatasan din niya ang mga pulis na hikayatin ang mga suspek na manlaban upang mabigyang-katwiran ang pagpatay nila sa mga ito.
“Do not question my policies because I offer no apologies, no excuses. I did what I had to do,” ani Duterte sa Senate blue ribbon committee.
Sa pagtaya ng Philippine National Police (PNP), may 6,252 katao ang nasawi sa kampanya ng administrasyon ni Duterte kontra-droga, pero kung ang mga human rights organization ang tatanungin nasa 30,000 ang bilang ng mga biktima.
Para sa maraming pamilya ng biktima, nag-iwan ng matinding dalamhati ang marahas na pamamaraan ni Duterte.
Binigyang-diin ni Acidre ang pangangailangan ng isang malinaw at patas na imbestigasyon at mabigyang prayoridad ang pagbibigay ng katarungan sa sinapit ng mga biktima.
“We must hold Duterte and his enablers accountable for the senseless violence they unleashed on this nation. The Filipino people deserve justice, not hollow excuses and justifications from a leader who has caused nothing but chaos and suffering,” ANANG Tingog partylist solon.
Samantala, nanindigan si Acidre na hindi dapat maging bahagi si Dela Rosa ng anumang pagsisiyasat ng Senado sa usapin ng war of drugs ng Duterte admin.
“Senator Dela Rosa’s involvement is a glaring conflict of interest. His complicity in these policies undermines any attempt at impartiality. This investigation must focus on justice for families left mourning loved ones lost too soon, not shielding the powerful from accountability.”