WALANG dahilan para mataranta ang mga mamamayan sa gitna ng mga ulat hinggil sa pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga karatig bansa sa Asya.
Ayon sa Department of Health (DOH) na mahigpit na binabantayan ng kagawaran ang mga datos bilang bahagi ng paghahanda at pag balangkas ng mga polisiya para tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan.
Katunayan anila, nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na nagbibigay ng mga beripikadong impormasyon, upang maging handa.
Gayunpaman, nilinaw ng DOH na wala pa naman dahilan para mag-alala.
Batay sa datos ng DOH, pumalo sa 87 percent ang pagbaba ng hawaan at pagpanaw mula pa noong nakalipas na taon.
Para sa taong kasalukuyan, nakapagtala ang DOH ng 1,774 kumpirmadong kaso — malayo sa 14,074 noong 2024.
Gayunpaman, bahagya lang ang naitalang pagbaba sa mortality rate.
“We are committed to keeping the public informed and will provide timely updates should the situation evolve. We encourage everyone to stay informed through official DOH channels, and continue practicing the same preventive measures that protect from other diseases,” ayon pa sa DOH.
