
HINDI pa man nakakaglupay sa bigtime oil price hike noong Mayo 20, isa na namang dagdag-presyo sa kada litro ang gasolina ang kikinasa ng mga kumpanya ng langis sa bansa.
Sa isang kalatas, kinumpirma ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. na magpapatupad ng bahagyang umento sa presyo ng gasolina. Anila, 10 sentimos lang ang ipapataw sa presyo kada litro ng gasolina.
Gayunpaman, nilinaw ng ng mga nabanggit na kumpanya na bababa ng 20 sentimos ang presyo kada litro ng krudo, habang 40 sentimos naman anila ang tatapyasin sa bentahan ng kerosene sa merkado.