SA hirap ng buhay sa Pilipinas, marami ang kumakagat sa bagong modus para makapunta at makapagtrabaho sa ibang bansa.
Sa isang pahayag, kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na may mga Pinay na nabiktima ng isang sindikatong nag-aalok ng “mabilis” na paraan para makalipad sa bansang Pakistan kung saan anila may naghihintay na trabaho.
Gamit ang tourist visa, papupuntahin sa Pakistan ang biktima kung saan gagawan umano ng pekeng kasal para makakuha ng Pakistan origin card.
Hindi naman binanggit ng kagawaran kung magkano ang siningil ng sindikato sa mga nabiktimang Pinay.
Babala ng DMW sa publiko, maging mapanuri sa mga alok na trabahong hindi beripikado lalo na sa online.
