SA ika-siyam na magkakasunod na lingo, muling nagtakda ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa mga binebentang produktong petrolyo.
Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Assistant Director Rodela Romero, magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo bunsod ng pagbabawas ng produksyon ng mga bansang miyembro ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC).
Sa pagtataya ng SOE, maglalaro sa pagitan ng 20 hanggang 40 sentimos ang inaasahang dagdag-presyo sa gasolina, habang 80 sentimos hanggang P1.10 ang inaasahang patong sa presyo kada litro ng krudo.
Gayunpaman, nilinaw ng DOE official na posible pang magbago ang antas ng dagdag-presyo depende sa galaw ng pandaigdigang merkado.