TALIWAS sa pangakong suporta ng administrasyong Marcos se sektor ng agrikultura, tuluyan nang tumirik ang programang pautang ng pamahalaan sa mga magsasaka at mangingisda.
Ang dahilan – hindi umano marunong magbayad ang mga pinautang sa ilalim ng Agricultural Competitiveness Enhancement Fund (ACEF) Credit Program kung saan pwedeng umutang ang mga magsasaka para makabili ng makinarya sa pagsasaka, gayundin ang mga mangingisda para sa mga kagamitang tutulong sa pamamalakaya.
Gayunpaman, sa pagtataos ng Land Bank of the Philippines (LBP), mas marami umano ang lumalabas na delinkwente – o yaong hindi nakakatupad sa kasunduang pagbabayad sa salaping pinahiram ng pamahalaan.
Sa Memorandum Order No. 60, ibinahagi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang rekomendasyon ng LBP – moratorium sa pamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryong magsasaka at mangingisda hanggat hindi pa nagbabayad ng utang – bagay na sina-ayunan naman aniya ng ACEF Executive Committee.
